Arsonist sa China, sinindihan ng apoy ang isang bus -- buti na lang at walang namatay!
Umaandar ang isang bus sa may West Lake sa Hangzhou noong Sabado, nang isang lalaking pasahero ang gumamit ng synthetic oil para sindihan ang bus!
Mahigit tatlumpung tao ang nasaktan; labinlima sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.
Nagkaroon din ng severe burns ang suspect, na nangailangan ng surgery. Hindi pa nalalaman ng pulis kung ano ang kanyang motibo.
Ipinapakita ng security camera footage na umaandar paalis ng central station ang bus, alas kuwatro ng hapon. Makikitang nakaupo ang suspect sa priority area, malapit sa pintuan sa likod.
Makalipas ang isang oras ng pag-biyahe, kumuha ng isang bote ng likido ang suspect mula sa kanyang bag, at binuhos ito sa kanyang sarili, bago siya nagsindi ng apoy.
Ayon sa isang witness, isang lalaking pasahero ang humarang sa pinto sa likod, kaya nakatakas lamang ang walumpung pasahero ng bus sa pamamagitan ng pinto sa harapan at ng mga bintana.
Isa sa mga pasahero ang nagkaroon ng sever burns, na natakpan ang 90 percent ng kanyang katawan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH