Canada parliament shooter, napatay sa isang Hollywood-style na ending!
Sa isang lugar na kung saan bihirang mangyari ang ganitong mga insidente…isang lalake ang naitanghal na isang hero.
Si Kevin Vickers, na isang 58-year-old na retired policeman at mapagkumbabang sergeant-at-arms sa Canadian parliament ang itinanghal na hero – matapos niyang mapatay ang jihadist killer na si Michael Zehan-Bibeau noong isang linggo, sa isang eksenang tila nanggaling sa isang Hollywood action movie.
Ayon sa mga bagong witness accounts, si Vickers ay nasa kanyang opisina, sa kanto mula sa entrance ng parliament library, nang nakarinig siya ng pagpapautok ng baril. Mabilis niyang kinuha ang kanyang semi-automatic na handgun, at sumugod sa eksena.
Pagkatapos sundan ang mga instructions mula sa ibang tao, nakapunta si Vickers sa kabilang panig ng poste, kung saan nagtatago ang gunman. Nakalapit siya hanggang sa iilang metro na lang ang layo sa pagitan nilang dalawa.
At sa isang mala-Bruce Willis na maneuver, nag-dive sa sahig si Vickers, nagpaikot at naglanding sa kanyang likod, habang pinagbabaril ang nagulat na suspect!
Ayon sa mga saksi, ilang beses na tinamaan si Bibeau, na nahulog sa sahig. Matapos ang lahat ng ito, ay tumayong muli si Vickers, at kalmadaong naglakad pabalik sa kanyang opisina, at nilagyang muli ng bala ang kanyang baril, sakaling buhay pa ang suspect.
Si Vickers ay pinasalamatan ng mga cabinet ministers at MPs para sa kanyang ginawa…pero ayon sa mga reports, ito ay isang araw lamang sa opisina, para sa napaka-humble na Canadian hero na ito. To Kevin Vickers…we salute you!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH