Babae, pinatay ang asawa – na kanyang inagaw mula sa sarili niyang kapatid!
Isang babae sa eastern China ang naakusahan ng pagpatay sa kanyang asawa, ilang taon matapos niyang makumbinsi ang lalake na iwan ang kanyang asawa – na nakatatandang kapatid ng babae!
Ang suspect na si Qiao, 25 years old, at ang kanyang lover ay plinano diumano ang pagpatay sa asawa niya, nang hindi na sila magkasundo.
Tinanong ni Qiao itong taon ang kanyang boy toy, na nakilala niya sa Internet, kung pwede niyang patayin ang asawa ni Qiao. Pumayag ang lalake nang sinabi sa kanya ni Qiao na inaabuso siya ng kanyang asawa.
Inakit ng dalawa ang walang kamalay-malay na asawa ni Qiao sa bundok, bilang parte ng isang “hike.” Doon sinaksak ng lover ni Qiao ang asawa ni Qiao, na kanilang nilibing nang buhay.
Makalipas ang tatlong araw, ay umamin sa pulis ang lalake, dahil sa bigat ng kanyang konsensiya.
Isa lang ang silver lining sa kuwentong ito: at least ay hindi naging sumunod na biktima ni Qiao ang lalake…imagine kung hindi na rin sila magkasundo?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH