May bagong palabas na “Eaten Alive” sa Discovery, kung saan kakainin nang buhay ng isang anaconda ang isang lalake!
Ang self-proclaimed naturalist at tinawag din na nonsense promoter na si Paul Rosolie ay kinain diumano nang buhay, ng isang anaconda, para sa isang TV show na ipapalabas sa December 7.
Si Rosolie at ang kanyang mga kasamahan ay nagpunta sa Amazon, para hanapin ang isang giant anaconda, para ma-feature sila sa pinakabagong palabas sa Discovery Channel.
Ang Discovery – na nagbigay sa atin ng palabas tungkol sa mga sirena, Shark Week, at Russian Yeti: The Killer Lives, ay nangakong ipapalabas ang footage ng isang anaconda, na kinakain ang isang human volunteer.
Ipinapakita ng trailer ng bagong programang ito ang crew, na hinuli ang anaconda, para itong si Rosolie ay maaring makapasok sa katawan ng ahas, habang nakasuot ng special snak-proof na suit.
Ang suit ay po-protektahan daw si Rosolie mula sa 90-pound per square inch grip ng anaconda.
Ang tanong ay kung ang katawan ba ni Rosolie ay magkakasya sa katawan ng pinakamalaking ahas sa buong mundo?
Hindi pinakita ng trailer kung umabot ba sa tiyan ng ahas si Rosalie.
Pinintasan ng Herpetologist na si Frank Indiviglio ang palabas na ito, bilang, “more nonsense.” Si Ben Paramonte naman ay nangongolekta ng mga signatures para sa petition laban sa palabas na ito, sa Change.org.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH