'Kay tagal na inasam at hinintay
Panahon pa ng aking kabataan
Mula magtapos at magkahiwalay
At kapwa hindi nakapagpaalam
Isang alaala na hindi makalimutan
Mga dahon ng siya ay madampian
Nang ito'y inilipad ng hanging amihan
At nalaglag sa munti niyang harapan
Ang ganda nya na kay sarap tignan
Tila bulaklak na likas sa kasiyahan
Mata na parang bituin sa kalangitan
Na kumikislap sa gitna ng kadiliman
Ngunit ng muli nagbalik sa'king buhay
Abot kamay ang minithing kaligayahan
Subalit sa hindi inaasahang bagay
Biglang nawala at naglaho ng tuluyan
Sa gabi kapag makarinig ng tugtugin
Tila nasusugatan ang damdamin
Kaya ang pag ibig sadyang idinaing
At pagmamahal isinama sa hangin.'
Jesus James Llorico
http://www.poemhunter.com/poem/kay-tagal-naghintay/